Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga mangingisda sa Mendiola, Maynila kasabay ng World Fisheries Day.
Pinangunahan ang protesta ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na mariing tutulan ang importasyon at iba pang panuntunan ng pamahalaan na mapanganib sa sektor ng pangingisda.
Kabilang dito ang inamyendahang Fisheries Code o ang Republic Act 10654 na nagbabawal sa mga maliliit na mangingisda sa communal fishing grounds.
Gayundin ang import-liberalization policies na lubhang nakaapekto sa local fish production at ang malawakang reclamation projects, lalo na sa Manila Bay na sumisira sa marine ecosystem na dahilan ng pagkawala ng kanilang pangisdaan.
Isa rin sa ipinapanawagan din ng grupo ang kalagayan ng mga mangingisdang Filipino sa West Philippine Sea (WPS).
Nagmula pa ang mga mangingisda sa mga lalawigan ng Zambales, La Union, Cavite at National Capital Region (NCR).