Grupo ng mga abogado at dean, naghain ng petisyon sa Korte Suprema laban kay dating NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Badoy

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang grupo ng mga abogado at dean laban kay dating National Task Force to End Local Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lorraine Badoy.

Kabilang sa mga petitioner ay sina dating Philippine Bar Association President Atty. Rico Domingo, Ateneo Human Rights Center Exec. Dir. Ray Paolo Santiago, dating Dean Tony La Viña at law school deans Soledad Deriquito-Mawis, Anna Maria Abad at Rodel Taton.

Sa kanilang “urgent petition for indirect contempt,” binanggit ang naging social media posts na pagbabanta ni Badoy kay Manila Regional Trial Court o RTC Branch 19 Judge Marlo Magdoza-Malagar.


Matatandaan na ang naturang hukom ang nagbasura sa “proscription case” ng pamahalaan na nagpapadeklara sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army o CPP-NPA bilang teroristang grupo.

Dahil sa mga post na ito ay mismong ang Korte Suprema ay naglabas ng babala kay Badoy.

Facebook Comments