Grupo ng mga abogado, pinapurihan ang ICC sa pagtutulak ng imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration

Ikinatuwa ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang desisyon ng International Criminal Court (ICC) na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa umano’y madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang open letter ni NUPL President Edre Olalia, binigyang diin nito ang nagaganap na extrajudicial killing sa bansa na ikinasawi ng maraming Pilipino.

Aniya, July 4, 2016 nang unang punahin ng grupo ang madugong kampanya ng pangulo na ang target lamang ay pawang mahihirap na Pilipino.


Bagama’t naantala, maituturing itong isang oportunidad para bigyang hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Kasabay nito, nanawagan si Olalia sa kaniyang mga miyembro at sa publiko na manatiling matatag dahil marami pang problema at pagsubok ang maaaring kaharapin ng grupo.

Facebook Comments