Grupo ng mga Abogado sa Cagayan, May ‘Free Notarial Service’

Cauayan City, Isabela- Nagbibigay ng libreng ‘Notarial Service’ sa publiko ang ilang abogado sa Lungsod ng Tuguegarao bilang tulong sa mga mamamayan sa kabila nararanasang krisis dahil sa COVID-19.

Ayon kay Cagayan 3rd District Board Member Atty. Mila Lauigan, inorganisa ng grupo ng mga abaogado ang nasabing pagbibigay ng libreng notaryo sa publiko dahil batid nila ang pangangailangan ng mga ito sa mga dokumentong kaakibat ang kahalagahan ng paglalagay sa nasabing notaryo.

Aniya, ang libreng serbisyo tulad nito ay malaking kaginhawaan para sa publiko lalo pa’t hirap ang karamihan dahil sa nararanasang krisis dahil sa COVID-19.


Makakatipid aniya ang publiko dahil imbes na magbayad ng notarial service ay malaking  tipid ito para sa pandagdag sa mga gastusin ng bawat pamilya sa kanilang arawang gastusin.

Dagdag pa ni Lauigan na pangunahing layunin ng pagbibigay ng libreng notarial service ay ang Health Declaration and Certification subalit may ilan aniyang humihiling na kung maaari ay manotaryohan din ang kanilang dokumento kahit hindi ito kasama sa nabanggit na deklarasyon.

Bukas din ito sa publiko para sa mga karatig probinsya gaya ng Isabela.

Facebook Comments