Manila, Philippines – Bandang alas diyes ng umaga, susugod sa tanggapan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang isang grupo ng mga consumers.
Layon nito na ipanawagan na ipatupad agad ang kautusan ng Korte Suprema noong May 3 ukol sa Competitive Selection Process.
Ayon kay RJ Javellana Jr., pangulo ng United Filipinos Consumers and Commuters (UFCC), kakalampagin nila ang Energy Regulatory Commission (ERC) para tumalima na sa ruling ng mataas na korte na ibasura ang mga power supply agreements ng mga distribution utilities na hindi dumaan sa Competitive Selection Process.
Aniya, matagal na nilang iginigiit na ang mga PSA ay mas makasasama sa mga power consumers dahil magbubunsod ito sa hindi makatwirang pagmahal sa singil sa konsumo ng kuryente.