Namigay ng libreng gamot sa mga pamilyang Evacuee sa Sto. Tomas Evacuation Center ang isang grupo ng mga doktor mula sa University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center Inc.
41 doktor ang nagkaloob ng kanilang tulong sa pamamagitan ng Medical Mission.
Sumailalim sa libreng konsultasyon, check-up at laboratory examination ang mga pamilya roon.
Bukod sa mga doktor, nagpaabot din ng tulong ang isang grupo mula sa Ateneo Graduate School sa Sta Rosa Laguna.
Mga food at non-food items naman ang kanilang dala tulad ng mga higaan at iba pang gamit sa pagtulog.
Apela naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office sa City Evacuation Center sa Sto. Tomas Batangas, nangangailangan pa sila ng mga bigas, gulay at ulam na maluluto.
Lahat ng 13 Evacuation Center sa Sto. Tomas ay nilagyan na ng Community kitchen para hindi na mahirapan ang mga residente sa kanilang pagluluto.