Grupo ng mga doktor, nanawagan sa publiko na sundin ang health measures ngayong Pasko

Hinimok ng medical professionals ang publiko na sundin ang precautionary measures kasabay ng pagdiriwang ng Pasko para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ang mga miyembro ng Health Professionals Alliance Against COVID-19 (HPAAC) ay nananawagan sa mga Pilipino na magplano at irekonsidera ang pagdalo sa malalaking social gatherings.

Ayon kay HPACC Convenor Dr. Antonio Dans, maaaring ipagdiwang ang Pasko habang pinoprotektahan ang pamilya mula sa COVID-19.


Babala ni Dans na maaaring tumaas ang COVID-19 infections kapag binalewala at nagpabaya ang mga tao sa banta ng pandemya.

Aniya, karamihan ng COVID-19 cases ay mild cases o asymptomatic.

Mahalagang malimitahan ang Christmas parties sa immediate family members lamang.

Umapela rin ang HPACC sa mga alkalde at iba pang local government officials na payagan ang dining establishments na maglatag ng tables sa sidewalks o magkaroon ng open markets ara matiyak ang safe distancing.

Samantala, nanawagan din si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa publiko na ikonsidera ang ibang tao bago magpasyang lumabas at magpunta sa mga gatherings.

Facebook Comments