Nasasayangan ang mga doctors sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa nawalang bilyong pisong sa PhilHealth dahil sa “ghost dialysis patients.”
Ayon kay Dr. Rizza Antoinette So Rubio, nanghihinayang siya dahil marami na sanang buhay ang natulungan ng naglahong pondo.
Aniya, abot sa 2600 pesos kada session ng dialysis para sa mga pasyente na may kidney problem.
Aabutinsa 234,000 pesos ang kailangan pasulputin ng isang pasyente para mabuo ang 90 dialysis session.
Lubhang malaki ang maitutulong ng nawalang pondo lalo pa at pabata ng pabata ang mga taong may sakit na kidney sa bansa.
Base sa datus ng NKTI, may kabuuang 10,800 Pinoy ang naidadagdag na bagong kaso ng chronic kidney disease kada taon.
Habang 30,000 hanggang 40,000 pasyente na may chronic kidney problem ang nangangailangan ng dialysis.
Nasa 7,109 CKD patients na ang naitala ng NKTI sa taong 2017 at mahigit sa 240 transplants ang naisasagawa ng NKTI kada taon.