Grupo ng mga empleyado sa PhilHealth, dismayado sa pagkakatalaga kay Dante Gierran bilang bagong pinuno ng ahensya

Dismayado ang grupo ng mga manggagawa sa PhilHealth sa pagkakatalaga kay dating National Bureau of Investigation (NBI) Director Dante Gierran bilang bagong presidente at Chief Executive Officer ng ahensya.

Ayon kay PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency and Empowerment (PhilHealth – WHITE) President Fe Francisco, hindi pinakinggan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panawagan nilang magtalaga ng financial expert para mamuno sa state health insurer.

Aniya, malinaw na nakasaad sa batas na ang dapat mamuno sa PhilHealth ay may anim hanggang pitong taong karanasan sa larangan ng public health, finance at health economics.


Dapat din aniya na ang itatalagang presidente ng PhilHealth ay base sa rekomendasyon ng board.

Pero paglilinaw ni Francisco, hindi nila pine-personal si Gierran at handa pa rin silang makipagtulungan sa bagong PhilHealth chief alang-alang sa higit 100 milyong Pilipinong miyembro ng PhilHealth.

Facebook Comments