Grupo ng mga estudyante, nag-protesta sa CHED kaugnay ng nakaambang tuition hike

Nag-protesta sa harap ng tanggapan ng Commission On Higher Education (CHED) ang iba’t ibang grupo ng mga mag-aaral.

 

Sa harap ito ng nakaambang taas-singil sa matrikula sa mahigit 1,000 eskwelahan sa school year 2019-2020.

 

Giit ng Kabataan Partylist at National Union Of The Student Of The Philippines, sa halip na magpatupad ng tuition hike, dapat na pagandahin na lang ang kalidad ng edukasyon sa bansa.


 

Hinikayat nila ang Ched na huwag payagan ang pagtaas sa matrikula.

 

Dagdag-pasanin anila ito kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

 

Bukod ito, naghain din sila ng petisyon sa Ched para hilingin ang paglalabas ng memorandum na pipigil sa pangongolekta sa mga estudyante ng hindi mahahalagang bayarin sa eskwela.

Facebook Comments