Grupo ng mga estudyante, nagkilos-protesta sa Korte Suprema matapos ang desisyon sa impeachment ni VP Sara

Nagsama-sama ang grupo ng mga estudyante sa tapat ng Korte Suprema para magkilos protesta matapos ang inilabas nitong desisyon sa impeachment proceedings ni Vice President Sara Duterte.

Kinokondena ng mga mag-aaral mula sa ilang unibersidad sa Maynila ang naturang desisyon ng Supreme Court (SC) dahil malinaw naman daw na nagkasala ang bise presidente.

Giit nila, tila nagsasawalang bahala ang mga nakaupo sa kongreso dahil hindi na nila pinapansin ang panawagan ng mamamayan na papanagutin si VP Sara.

Nararapat lamang daw na ipaliwanag ang di-umano’y maling paggamit ng P612.5 milyon na confidential funds ng pangalawang pangulo lalo na’t tila sa iba napunta ang pondo.

Kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos, kanilang kinokondena ang mga hakbang nito dahil marami pa rin Pilipino ang naghihirap.

Tila wala rin natupad sa mga pangako ng pangulo tulad ng pabahay sa mahihirap, trabaho, pagkain, edukasyon, at ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments