Grupo ng mga guro at magulang, nanawagan ng mabilis at maayos na turnover ng mga “EMBO” schools sa Taguig-LGU

Nanawagan ang ilang grupo ng mga guro at magulang na magkaroon ng mabilis at matiwasay na turnover ng mga “EMBO” schools ng Makati City patungo sa Taguig City kasunod ng inilabas na kautusan ng Korte Suprema.

 

Sa inilabas na pahayag ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC), nirerespeto at kinikilala nila ang final ruling ng Supreme Court.

 

Habang, umaasa si Fort Bonifacio High School Faculty Club President Noel Meneses na mababalik agad sa normal ang school operation.


 

Nabatid na aabot sa 30,000 na mga estudyante at nasa 1,500 na mga guro mula sa 14 “EMBO” schools ang ililipat sa Taguig City.

 

Sinabi naman ni Parents Teachers Association (PTA) Federation President Willy Rodriguez na pumayag ang mga magulang na mailipat ang kanilang mga anak sa pangangasiwa ng Taguig-LGU.

 

Giit ni Rodriguez, mas maganda na magkaroon muna ng proper turnover upang hindi magdulot ng kalituhan o tensyon bago ang isyung pamimigay ng mga school supplies at iba pa.

 

Una nang inihayag ng mga school principals ng mga “EMBO” schools na wala silang inaasahang problema sa pagbubukas ng klase sa August 29.

Facebook Comments