Nagsumite na ng motion for reconsideration sa Court of Appeals ang isang grupo ng mga guro kaugnay ng sinasabing harassment daw sa kanila ng PNP.
Sa kanilang Apela, inihirit ng Alliance of Concerned Teachers o ACT na baligtarin ng Appellate Court ang kanilang naunang desisyon na nagbabasura sa kanilang petisyon laban sa memorandum ng PNP patungkol sa profiling ng mga guro.
Ayon kay ACT Secretary General Raymon Basilio, makailang beses na silang lumiham sa PNP para sa mga hinihinging dokumento ng CA pero wala itong tugong hanggang ngayon.
Ayon sa Grupo, hanggang sa ngayon, hindi pa rin sila tinitigilan ng PNP sa profiling sa ilan nilang miyembro.
May mga guro na rin ang nakatatanggap ng pagbabanta sa kanilang buhay.
Umapela rin ang grupo sa CA na atasan ang PNP na itigil na nito ang intelligence operations sa mga lehitimong grupo na katulad nila.