Umapela ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) na hindi dapat gawin na paligsahan ang tradisyunal na pagsasagawa ng “Brigada Eskwela”.
Ayon kay TDC National Chairperson Benjo Basas, sa pagsisimula ng “Brigada Eskwela” kahapon ay dapat mangibabaw ang totoong diwa ng programa na bayanihan at bolunterismo.
Aniya, hindi ito labanan ng paramihan ng operasyon sa pagitan ng mga paaralan at dibisyon.
Iginiit din ni Basas, bagama’t nakakatuwa ang ibinibigay na suporta ng pribadong sektor ay dapat ang pamahalaan pa rin ang tumutugon sa mga problemang may kinalaman sa edukasyon.
Ang “Brigada Eskwela” ay taunang aktibidad ng Department of Education (DepEd) para ihanda ang mga eskwelahan sa pagbubukas ng klase.
Facebook Comments