Kinundina ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines, isang grupo ng mga guro sa bansa, ang pag-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Ronnel Mas isang guro sa Zambales.
Ito’y matapos mag post sa kanyang twitter account kaugnay sa pagbibigay nito ng P50 milyong pabuya kung sino man ang makaakapatay kay President Rodrigo Duterte.
Ayon kay ACT Philippines Secretary General Raymond Basilio, halata naman na walang kakayahan si Mas na magbigay ng ganoong kalaking halaga.
Aniya ang post ng nasabing guro sa kanyang social media ay malabong magkatotoo at hindi naman ito nagdulot ng kaguluhan na naging banta sa buhay ng pangulo.
Dapat daw anya tiningnan muna ng NBI ang kakayahan ni Mas bago inaresto at kung nakita nilang imposible itong mangyari, dapat pinagsabihan lang nila ang guro.
OA o sobra-sobra aniya ang pamamaraang pag arestado sa guro.
Batay sa tala ng ACT Philippines pangatlo na si Mas na hinuling mga guro sa bansa sa panahon ng enhances community quarantine dahil lamang sa pagbabatikos sa gobyerno kaugnay sa ginagawang mga hakbang nito sa paglaban ng coronavirus.