Kasado na ang isasagawang kilos protesta ng mga Guro ngayong araw.
Ito ay para ipakita ang suporta sa kapwa Gurong namahiya umano ng Estudyante at idinulog sa programa ng brodkaster na si Raffy Tulfo.
Ayon sa Abogado ng Guro na si Atty. Joseph Noel Estrada, na-trauma ang kliyente niya pagkatapos ng interview.
Inireklamo kasi ang Guro ng lola at nanay ng isang Estudyante na pinalabas nito sa classroom.
Napilitang mag-resign ang Guro dahil sa takot.
Giit ni Estrada na hindi magbibitiw sa kanyang trabaho ang Guro.
Sinabi naman ni Alliance of Concerned Teachers –NCR President Vladimir Quetua, nalabag ang karapatan ng mga guro.
Para sa Department of Education (DepEd), idaan sa tamang forum ang problema ng mga Guro at Estudyante.
May batas at polisiya at sistemang sinusunod sa pagresolba ng ganitong isyu at hindi sa pamamagitan ng Media.
Kailangan ang kooperasyon ng lahat upang mapanatili ang respeto at dignidad ng mga mag-aaral, mga Guro, maging ang pamunuan ng Eskwelahan.