Grupo ng mga guro, may apela sa DepEd na ikonsidera ang paggamit ng mga aklat kaysa mamahaling modules

Umaapela kay Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones ang grupong Teachers Dignity Coalition (TDC) na tigilan na ang paggawa ng mga mamahaling modules, dahil malaki umano ang epekto nito sa kapaligiran at maraming mga punong kahoy ang puputulin.

Ayon kay TDC National Chairman Benjo Basas, gumamit na lamang ng mga printed books sa halip na modules.

Giit pa ni Basas, kung talagang nadetermina scientifically na ang modules ay pangunahing kakailanganin ng mga mag-aaral kapalit ng textbooks, dapat umanong gumawa sila ng iisang standard method para rito.


Facebook Comments