Grupo ng mga guro, may panawagan sa gobyerno sa pagbubukas ng klase habang umiiral ang banta sa COVID-19 sa bansa

Hinihikayat ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines ang National Government na gumawa ng mga hakbang upang matiyak na protektado ang kalusugan ng mga guro, non-teaching personnel, at mga estudyante ng bansa laban sa banta ng COVID-19 sa pagbubukas muli ng klase para school year 2020-2021.

Ayon kay ACT Philippines Secretary General Raymond Basilio, ang mga hakbang na dapat gawin ay tulad ng pagbabawas ng bilang ng mga magaaral bawat silid aralan.

Dapat din aniya mag-hire saktong bilang ng mga health at utility personnel sa bawat school levels sa lahat ng pampublikong paaralan.


Maglagay din aniya ng karagdagan pasilidad para sa paghuhugas ng kamay at saktong suplay ng tubig sa bawat palapag ng gusali ng mga paaralan.

Dagdag pa niya, maglagay ng kagamitan at internet connection para sa ion for distant learning, kung kinakailangan at gumawa ng mga school health programs kaugnay sa paglaban kontra infection at tiyakin na libre ang mga guro, non-teaching personnel at mga estudyante sa pagpapagamot kung sakaling sila ay magkasakit na dulot ng COVID-19.

Facebook Comments