Grupo ng mga guro, muling nagkasa ng protesta sa COMELEC

Nagkasa ng kilos protesta ang samahan ng mga guro sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila.

Ito’y upang muling ipanawagan ang pagbawas sa buwis sa mga allowance at election service honorarium na kanilang natatanggap.

Gayundin ang dagdag na election service compensation, pagkakaloob ng proteksyon at sapat na kompensasyon gayundin ang pagbibigay ng ₱500.00 anti-COVID allowance ng mga poll workers.


Giit ng mga guro, mula sa dating 5% itinakda na sa 20% ang buwis sa mga makukuha nila ngayong pag-upo sa darating na halalan.

Panawagan pa nila, nasa ₱200 million ang itinaas sa budget ng COMELEC kaya’t may sapat itong pondo para madagdagan ang bayad sa serbisyo ng mga poll workers at hindi na ito dapat bawasan pa.

Facebook Comments