Grupo ng mga guro, muling nagkasa ng protesta sa tanggapan ng COMELEC

Muling nagkasa ng kilos protesta ang grupo ng mga guro sa labas ng tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).

Ito’y para ipanawagan na ibasura na ang tax na ipinapataw sa kanila sa tuwing tumatayong Board of Election Inspectors (BEI).

Giit ng grupo, mataas masiyado ang 20% tax na ipinapataw sa honoraria at allowances ng mga guro na nagsisilbing BEI para sa nalalapit na halalan.


Nais nila na magkaroon sana ng dialogue o pag-uusap nila at ng COMELEC para malaman ang kanilang hinaing at iba pang isyu.

Bukod dito, nais din ng grupo ng mga guro na dagdag na Election Service Compensation kasama na ang pagkakaloob ng proteksyon at sapat na kompensasyon gayundin ang pagbibigay ng P500 anti-covid allowance ng poll workers.

Paliwanag pa ng grupo ng mga guro, hindi biro at seryosong trabaho ang kanilang ginagawa upang maging maayos at walang maging problema ang proseso ng automated election sa nalalapit na 2022 national and local elections.

Facebook Comments