Bagama’t welcome para sa isang grupo ng mga guro ang implementasyon ng limited face-to-face classes ay iginiit ng mga ito na dapat magkaroon ng mga maayos na pasilidad para maiwasan ang COVID-19.
Ayon kay Alliance of Concerned Teachers (ACT) Secretary-General Raymond Basilio, kinakailangang may maayos na ventilation sa mga classroom, hand washing stations, clinics, healthcare workers at COVID-19 testing.
Bukod diyan, dapat din aniya na magkaroon ng transportation program kagaya ng service sa pagpasok sa mga eskwelahan para sa mga estudyante upang mabawasan ang exposure ng mga ito sa COVID-19.
Giit pa ni Basilio, noong nakaraang taon pa kasi nila ipinapanukala ang limited face-to-face classes lalo na’t karamihan sa mga mag-aaral ay hirap sa kasalukuyang distance learning.