Grupo ng mga guro, umaasang makakasama ang kanilang sektor sa plano ng Pangulo Marcos sa darating na SONA

Umaasa ang mga guro na makakasama sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., ang mga plano at programa nito sa sektor ng edukasyon.

Ayon sa Action and Solidarity for the Empowerment of Teachers, tila nakalimutan na ng kasalukuyang administrasyon ang mga pangako nito noong nakaraang SONA.

Giit nila, wala pa rin pinagbago ang kasalukuyang sitwasyon ng mga paaralan kung kaya’t kapwa nahihirapan ang mga mag-aaral at guro.


Maging ang proseso ng trabaho ng mga guro ay mas lalo pang pahirapan kung saan kahit bakasyon na at tapos na ang klase, tuloy pa rin sa trabaho ng mga ito.

Ang mga guro rin ang may pinakamaliit na sahod kumpara sa mga sweldo ng ibang professional workers sa bansa.

Kaugnay nito, nais marinig ng grupo sa SONA ng Pangulong Marcos ang ibang pangako nito na binitiwan noong 2022 tulad ng pagre-review ng mga workload, pagtaas ng sweldo at libreng medical check-up para sa katulad nilang mga guro.

Facebook Comments