Grupo ng mga health expert, tutol sa panukalang batas kaugnay sa paggamit ng vapes at iba pang heated tobacco products

Nanawagan ang Philippine College of Physicians (PCP) sa Senado na ibasura na ang Senate Bill no. 2239 na nagsusulong sa paggamit ng vapes at iba pang heated tobacco products.

Sa interview ng RMN Manila, binigyang diin ni PCP President Dr. Maricar Limpin na tutol ang mahigit 60-health professional organization sa bansa sa naturang panukalang batas lalo na’t wala aniyang siyentipikong basehan na nagsasabing ligtas ang paggamit ng vape.

Giit ni Limpin, bukod sa pagiging high risk sa cancer, pwede rin tamaan ng COVID-19 ang isang taong gumagamit ng vape dahil pinapababa nito ang immune system ng isang tao.


Maging ang Pediatric Pulmonologist na si Dr. Maria Corazon Avanceña ay nababahala sa epekto ng paggamit ng vape partikular sa kabataan.

Ayon kay Avanceña, ang paggamit kasi na vape ay itinuturing niyang “gateway” sa illegal drugs.

Facebook Comments