Umapela ang grupo ng mga health worker sa pamahalaan na bigyan ng due process si Dr. Maria Natividad “Naty” Castro na inaakusahang sangkot sa kidnapping at serious illegal detention sa Caraga.
Sa interview ng RMN Manila sinabi ni Alliance of Health Workers President Robert Mendoza na nababahala sila sa maaaring mangyari kay Castro.
Aniya, inosente at hindi kriminal ang doktor na inakusahan ng Philippine National Police (PNP).
Dapat din aniyang tratuhin ng tama at bigyang halaga ang mga health worker na kagaya ni Dr. Castro dahil taus-puso itong tumutulong sa bayan at ginagampanan ang kaniyang tungkulin bilang isang doktor.
Facebook Comments