Grupo ng mga health workers, muling kinalampag ang gobyerno hinggil sa hindi naibigay na allowance at benepisyo

Muling kinalampag ng samahan ng mga health workers sa pribadong hospital ang pamahalaan dahil sa hindi pa naibibigay na allowance at benepisyo sa nakalipas na halos tatlong taon.

Ito’y kasabay ng pakikipaglaban ng banta sa COVID-19.

Sa State of Health Workers Forum ng United Private Hospital Unions of Philippines, iginiit nila na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila natatanggap na One COVID Allowance (OCA) / Health Emergency Allowance (HEA).


Paliwanag ng grupo, patuloy silang naghihintay sa pangako ng gobyerno hinggil sa mga nabanggit na allowance kung saan tila nakalimutan na ito hanggang sa kasalukuyan.

Nananawagan din sila sa Department of Health (DOH) na umaksyon na sa kanilang mga hinaing upang hindi maubos ang mga health worker sa ating bansa.

Kaugnay nito, maiging tutukan rin ng DOH ang nagiging problema sa kakulangan ng mga health worker hindi lamang sa pribado maging sa pampublikong hospital.

Sakaling wala pa rin aksyon ang pamahalaan, patuloy silang mananawagan at gagawa ng mga hakbang upang marinig o makarating mismo sa Pangulong Bongbong Marcos ang kanilang hinaing.

Facebook Comments