
sMuling nagkasa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo ng health workers sa tapat ng tanggapan ng Department of Health (DOH).
Ito ay upang ipanawagan ang pagbibitiw sa puwesto ni DOH Secretary Ted Herbosa dahil sa mga isyung kinasasangkutan niya.
Isa sa mga ito ang pagpayag ni Herbosa na ilipat ang bilyung-pisong sobrang pondo ng PhilHealth sa National Treasury, lalo na’t siya rin ang Chairperson ng PhilHealth Board of Directors.
Giit ng mga health workers, hindi maituturing na sobra ang nasabing pondo dahil resulta ito ng underspending ng PhilHealth sa pagpapalawak ng benefit packages at mababang gastos ng mga pasyente.
Bukod dito, maraming bakuna at gamot ang nasayang dahil sa kapabayaan ng DOH, na sana’y napakinabangan ng publiko.
Hindi rin naiulat o naipaalam ng kalihim ang kasalukuyang kalagayan ng mga super health centers na pinondohan sa ilalim ng Health Facilities Enhancement Program ng 2036 national budget, dahil sa umano’y kakulangan ng aksyon.
Hiling ng grupo na kusang umalis sa puwesto si Herbosa dahil sa hindi sapat ang kakayahan nito upang pamunuan ang DOH.










