Grupo ng mga health workers, nagkasa ng kilos protesta sa DOJ para ipanawagan na itigil na ang red-tagging sa kanilang hanay

Nagsagawa ng pagkilos-protesta ang samahan ng mga health workers.

Ito’y upang ipanawagan sa pamahalan na ipatigil na ang red-tagging ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay.

Mula Philippine General Hospital (PGH) ay nagtungo sa Department of Justice (DOJ) ang grupo ng mga health workers kasama ang kanilang mga abogado.


Dito ay hinamon nila si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na patunayan ang mga binitawang salita na bigyang hustiya ang lahat ng indibidwal sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Iginiit ng lider ng iba’t ibang grupo ng mga health workers, paano mahihikayat ang mga doktor o nurse maging ang katulad nila na magtrabaho sa ating bansa at sa mga komunidad kung maging sila ay nire-red tag.

Maging ang ilan nilang kasamahan ay inaatake ng mga awtorodad kung saan ang iba ay nasasawi pa.

Ayon kay Health Alliance for Democracy Secretary-General Albert Pascual, ilang beses na nire-red tag ni dating NTF-ELCAC Spokesperson at PCOO Undersecretary Lorraine Marie Badoy ang Alliance of Health Workers kung kaya’t sinampahan nila ito ng reklamo sa Ombudsman at Professional Regulation Commission.

Pero sinabi ni Pascual na patuloy si Badoy sa ginagawang pagre-red tag kaya’t naapektuhan ng husto ang serbisyo ng ibang mga health workers.

Facebook Comments