
Sumugod kanina sa tapat ng Department of Agriculture (DA) ang grupo ng mga kababaihan sa ilalim ng Gabriela.
Ito ay upang iprotesta ang tumataas na presyo ng pagkain sa gitna ng malawak na kagutuman.
Bitbit ng grupo ang mga kaldero at kaserola na walang laman.
Kinalampag nila ang mga kaldero at kaserola na simbolo umano ng kumakalam na sikmura ng mga Pilipino.
Ayon sa mga nanay na naki-bahagi sa protesta, isa hanggang dalawang beses na lang sila kung kumain para lang makatipid.
Marami rin aniya sa kanila ang hindi nakikinabang sa 20 pesos kada kilo ng bigas lalo pa at tanging piling indibidwal lang ang nakikinabang.
Nakakaalarma na anila ang walang humpay na pagtaas ng bilihin lalo na ang bigas at iba pang produktong agrikultural.
Facebook Comments









