Grupo ng mga kabataan, kilos-protesta sa DOJ

Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupo ng mga kabataan sa harap ng Department of Justice (DOJ).

Ito ay para ipanawagan na palayain ang tinaguriang Tacloban 5 kabilang ang isang campus journalist.

Ang lima ay inaresto noong 2020 na nakuhanan umano ng mga baril, bala at granada.


Giit ng mga raliyista, ang pagpapalaya sa lima at pagbasura sa umanoy gawa-gawang mga kaso.

Sa naturang legasyon, itinuturing na mga kasapi ng rebeldeng komunista ang lima kabilang ang campus journalist na si Frenchie Mae Castro Cumpio na umano’y secretary ng regional white area committee ng Eastern Visayas Regional Party Committee ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA).

Bantay-sarado naman ng Manila Police District (MPD) ang harap ng DOJ upang masiguro ang kaayusan at kapayapan ng nasabing protesta.

Facebook Comments