Grupo ng mga kabataan – magpo-protesta isang linggo bago ang SONA ng Pangulo

Manila, Philippines – Magsasagawa ng malawakang kilos-protesta ang ilang grupo ng kabataan sa Martes, July 18.

Isang linggo ito bago ang nakatakdang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.

Makikiisa sa protesta ang grupong Millennials Against Dictators, Student Council Alliance of the Philippines, Akbayan Youth at iba pang campus at community-based youth groups.


Kabilang sa ipo-protesta nila ay ang madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.

Isasagawa ang protesta sa St. Scholastica’s College sa Maynila, General Santos at Cebu City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments