Manila, Philippines – Ikinababahala ng Millennials Against Dictators na mayroon na namang nadagdag sa listahan ng mga menor de edad na napatay sa hindi malinaw na dahilan.
Ito ang sinabi ni Karla Yu, co convener ng grupo, matapos tambangan ang 16 – anyos na binatilyo sa Commonwealth, Quezon City kahapon.
Ayon kay Yu, ang mas nakakabahala sa ganitong pangyayari ay dahil hindi matukoy kung kriminal o pulis mismo ang pumapatay.
Una nang sinabi ni Yu, na kung may kinalaman sa masasamang gawain ang mga kabataang napapatay, dapat ay tutukan ang dahilan kung bakit nila ito nagagawa at hindi basta na lamang papatayin ang mga ito.
Kahapon ng hapon nang tinambangan malapit sa kanilang bahay ng di pa nakikilalang suspect ang 16 anyos na binatilyong si Aldrin Jore na nagpaalam lamang na magpapagupit, ngunit bigo nang maka uwi sa kanila.