Grupo ng mga kabataan, nagkasa ng kilos-protesta sa Maynila

Nagkasa ng kilos-protesta ang grupo ng mga kabataan sa lungsod ng Maynila para ipanawagan ang pagpapalayas sa tropa ng Amerika.

Nagmartsa ang grupo sa Kalaw Avenue na tutungo sana sa tapat ng U.S. Embassy pero naharang na sila bago sumapit ng Roxas Blvd.

Giit ng mga kabataan, nararapat lamang na paalisin na ang mga sundalong Amerikano dahil wala namang naidudulot na maganda at nalalagay lamang sa alanganin ang bansa.

Wala rin daw silbi ang mga programang visiting forces agreement (VFA) at enhance defense cooperation agreement (EDCA) kung saan nagagamit lamang daw ang bansa para sa pansariling kapakanan.

Bantay-sarado naman ng Manila Police District ang ginawang protesta upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan habang naging maayos din naman ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments