Wednesday, March 25, 2026

Grupo ng mga kabataan, nagkilos-protesta sa isang gasolinahan sa Quezon City

Sumugod sa isang gasolinahan sa bahagi ng QC Circle ang isang grupo ng kabataan upang iprotesta ang pananamantala ng mga kumpanya ng langis sa tensyon sa Middle East.

Tampok sa kanilang aktibidad ang pagsasaboy ng langis sa plakard na may mukha ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni US President Donald Trump.

Ayon kay Matty Miguel, media officer ng National Network of Agrarian Reform Advocates Youth, panawagan nila na itigil na ng Estados Unidos ang giyera nito sa Iran na nagdudulot ng krisis sa langis sa buong mundo.

Giit ng grupo, papanagutin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa di-pag-aksyon na tanggalin ang excise tax sa produktong petrolyo, ang VAT, at sa di pagbuwag sa Oil Deregulation Law na dahilan ng pagsirit ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Facebook Comments