Grupo ng mga kabataan, nagprotesta at nagpakalbo sa harap ng gate ng Batasang Pambansa bilang pagtutol sa mandatory ROTC

Hindi naging hadlang ang buhos ng ulan sa mga kasapi ng Kabataan Party-list na nagsagawa ngayon ng kilos-protesta at nagpakalbo sa harap ng gate ng Batasang Pambansa.

Ito ay bilang pagtutol nila sa House Bill 6486 o panukalang National Citizens Training Service o NCST Program na nagmamandato sa mga estudyante sa pampubliko at pribadong kolehiyo na lumahok sa Reserve Officers’ Training Corps o ROTC.

Giit ng Kabataan Party-list, ang pagpapatupad ng ROTC ay uri ng militarisasyon sa mga unibersidad.


Ang naturang panukala ay inaprubahan na ng Committee on Appropriations na pinamumunuan ni AKO Bicol Party-list Rep. Elizaldy Co.

Lumusot na rin ito sa House Committee on Basic Education and Culture at House Committee on Higher and Technical Education (CHED) kung saan kanilang pagplantsa na sa halip mandatory ay gawin na lang sa mga panukala para maging optional ang ROTC.

Facebook Comments