Grupo ng mga kabataan, nagrambulan sa Quezon City, isa sugatan

Quezon City – Sapul sa CCTV ang rambulan ng dalawang grupo ng mga kabataan sa Barangay Bagong Silangan, Quezon City.

Sa video, makikita ang batuhan at pisikalan ng magkabilang grupo.

Nang dumating ang mga rumespondeng tauhan ng barangay ay agad na nagsipulasan at nagsitakbuhan ang mga kabataan.


Kwento ni tanod Gimeno Dasillo – nang makorner ang ilang kabataan sa isang eskinita ay biglang may nagpaputok at tinamaan ang isa sa kanyang kasamahan.

Bukod dito, binato pa ng mga kabataan ang kanilang sasakyan.

Nahuli naman ang isa sa mga namato sa mga tanod na si Carl Pacatang kung saan pinag-aaralan kung anong reklamo ang ihahain laban sa kanya.

Facebook Comments