Monday, January 26, 2026

Grupo ng mga kabataan, nagsagawa ng kilos-protesta sa DOJ

Nagkilos-protesta ang ilang kabataan para kondenahin ang mga reklamong isinampa ng pulisya sa mga kapwa nila aktibista.

Kabilang sa kanila si Aldrin Kitsune na estudyante na inisyuhan ng subpoena para sa imbestigasyon ng Philippine National Police – Criminal Investigations ans Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa marahas na rally noong September 21, 2025.

Ayon kay Kitsune, sinisisi niya ang gobyerno kaya’t naglabasan sa kalsada ang mga raliyista.

Giit niya, bunga rin umano ng katiwalian at kabiguan ng pamahalaan na masolusyunan ang problema kaya kanila itong ipinaglalaban.

Paliwanag pa ng mga raliyista, dapat managot ang mga corrupt sa pamahalaan na sangkot sa illegal na mga aktibidad kasama ang rin ang mga nakaupo sa pwesto na magnanakaw sa kaban ng bayan at lumalabag sa karapatang pantao.

Facebook Comments