Grupo ng mga kabataan, nagsagawa ng rally sa US Embassy

Nagsagawa ng “lightning rally” ang grupo ng mga kabataan sa tapat ng US Embassy sa lungsod ng Maynila.

Nakalapit pa ang mga raliyista sa mismong tapat ng ng embahada sa Roxas Blvd. kaya napasugod ang ilang mga pulis.

Kabilang sa mga nagprotesta ay mga miyembro ng Youth for Nationalism and Democracy Philippines o YND-PH.


Kanilang iginigiit na dapat kontrahin ang US military bases at pananatili ng mga sundalong Amerikano sa ating bansa.

Ayon kay Josh Peralta, tagapagsalita ng grupo, hindi tunay na pakikipagkaibigan ang intensyon ng Amerika sa Pilipinas.

Aniya, maghahanap lamang ng kakampi ang Amerika laban sa China.

Giit pa ng grupo, dapat na tutulan ang pagdaragdag ng mga base militar at Balikatan exercises kasama na ang pagsasabatas ng Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Bill dahil wala naman daw itong patutunguhan.

Mabilis din naman natapos ang rally bago mag-alas-10:00 ng umaga kung saan maayos at walang anumang kaguluhan na nangyari.

Facebook Comments