Manila, Philippines – Nagsasagawa ngayon ng programa sa labas ng gate ng Senado ang iba’t ibang grupo ng mga kabataan kasabay ng inaasahang pagsisimula ng debate sa plenaryo ngayong araw ng panukalang ibaba sa 12 anyos ang minimum age of criminal responsibility.
Kinabibilangan ito ng child rights network, kabataan partylist, at association for the rights of children in South East Asia.
Ilan din sa mga batang kasapi ng grupo ang pumasok sa Senado at nag-abot ng bulaklak sa mga senador.
Apela ng mga kabataan sa mga Senador, bomoto kaugnay sa panukala base sa dikta ng kanilang konsensya.
Giit nila, hindi mga bata ang dapat pagdiskitahan kundi ang mga sindikato na gumagamit sa kanila para gumawa ng masama at iligal.
Facebook Comments