Grupo ng mga mag-aaral, nananawagan ng suporta mula sa mga kabataan para kay Kian Delos Santos

Manila, Philippines – Nananawagan ang League of Filipino Students sa mga kabataan na makiisa sa isinasagawang mga pagkilos para sa 17 anyos na si Kian Delos Santos, ang binatilyong napatay sa isang anti-illegal drug operation sa Caloocan City matapos umano itong manlaban.

Ayon kay JP Rosos, tagapagsalita ng LFS, mamayang alas 6 ng hapon ay nakatakda silang pumunta sa burol ng biktima.

Iginiit ni Rosos, na gasgas na ang pahayag ng mga pulis na ‘nanlaban’ ang kanilang napapatay.


Sobra na aniya ang bilang ng mga napapaslang dahil sa campaign against illegal drugs kaya’t napapanahon na para itigil ito.

Inaanyayahan rin ni Rosos ang mga kabataan na makiisa sa isasagawa nilang lingguhang protesta kada-araw ng Biyernes.

Facebook Comments