Grupo ng mga mag-aaral, tiniyak na magiging organisado ang kanilang hanay sa mga pagkilos para sa paggunita ng Martial Law

Manila, Philippines – Tiniyak ng League of Filipino Students na magiging mapayapa ang gagawin nilang pagkilos para sa paggunita ng Martial Law sa Setyembre 21.

Ito ayon kay Cha France, Deputy Secretary General ng grupo ay bilang tugon sa panawagan ng Pangulo na tiyakin ng mga militante na walang makakasaling NPA sa kanilang pagkilos na maaaring magsimula ng kaguluhan.

Ayon kay France, ang Pangulo lang naman aniya at ng PNP ang naghahatid ng gulo at karahasan.


Kinwestyon rin nito ang effort ng pamahalaan na isabotahe ang mga pagkilos na inihahanda ng iba’t ibang grupo tulad ng pagtataon ng Nationwide Earthquake Drill sa araw ng paggunita ng Martial Law.

Ayon kay France, patunay lamang ito na takot na takot ang Pangulo sa mga pagkikilos na isasagawa na laban din sa kaniyang administrasyon.

Facebook Comments