Nagprotesta ang mga magsasaka at mangingisda mula Central Luzon at Southern Tagalog Region.
Ito’y upang kondenahin ang hindi maayos na programang pang-agrikultura ng administrasyong Marcos.
Bukod dito, ipinapanawagan din nila na itigil ma ang tinatawag nilang ‘anti-magsasaka’ na mga polisiya ng kasalukuyang pamahalaan na lubhang nagpapahirap sa kanila.
Hiling din nila na resolbahin ng gobyerno ang nararanasang krisis sa pagkain gayundin sa agrikultura at magkaroon sana ng suporta sa mga katulad nilang lokal na magsasaka at mangingisda.
Nabatid na sinubukang makalapit ng mga nagkilos-protesta sa Mendiola pero hinarang ng mga pulis pagsapit sa Bustillos na patungong Legarda.
Una silang inabangan ng MPD sa may Morayta pero sa kabila dumaan ang mga nagkilos-protesta kung saan nagkaroon ng girian at sumukip ang daloy ng trapiko sa may bahagi ng Sampaloc.