Grupo ng mga magsasaka, magsasagawa ng People’s SONA upang ipahayag ang sentimyento sa nararanasang krisis sa agrikultura

Magsasagawa ng sariling bersyon ng State of the Nation Address o SONA ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) upang singilin ang Marcos administration sa patuloy na krisis sa agrikultura na nararanasan sa bansa.

Ginawa ng KMP ang pahayag kasabay ng paggunita ng ikatlong-taon ng pagpapatupad ng Anti-Terror Law sa bansa.

Layon ng gagawing People’s SONA sa July 22 na kalampagin ang pamahalaan sa patuloy nitong pagiging manhid sa tunay na kalagayan ng mga magsasaka at mga mamamayan.


Duda ang grupo na magiging mura ang presyo ng bigas dahil sa Executive Order (EO) no.62 dahil lalo lamang mapahihirapan ang kabuhayan ng mga magsasaka tulad ng naging karanasan sa Rice Tarrification Law.

Nanindigan ang grupo na hindi sila patitinag kahit pa mahigit 22,000 ang pwersa ng Philippine National Police o PNP at militar na ipakakaklat ng gobyerno sa araw ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Facebook Comments