Grupo ng mga magsasaka mula Davao del Norte na nagkampo sa Mendiola, hinarap ni Pangulong Duterte… samantala, pangulo may pakiusap sa grupong KADAMAY

Manila, Philippines – Hinarapni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa 200 miyembro ng Madaum Agrarian ReformBeneficiaries Inc. (MARBAI) na nagkakampo sa Mendiola mula pa noong May 1.
 
Ito’y para personal namapakinggan ang mga hinaing ng nasabing grupo kabilang na ang ipinaglalabannilang lupain sa Tagum, Davao Del Norte.
 
Ayon sa pangulo, oras namakumpleto ang mga requirements ay agad niyang ipag-uutos kay Agrarian ReformSec. Rafael Mariano ang pag-turn over ng mga lupa sa lapanday farmers.
 
 
Kasabay nito,pinasaringan ng pangulo ang hudikatura kaugnay ng pag-iisyu ng temporaryrestraining order sa mga usaping matagal nang napanalunan ng mamamayan.
 
  Samantala, nanawagannaman si Pangulong Duterte Sa grupong KADAMAY na huwag ng pakialaman ang mgapabahay na nakalaan para sa mga sundalo’t pulis.
 
Sa kanyang pagharap sailang miyembro ng kadamay sa Mendiola kagabi, sinabi ng pangulo na magpapagawapa siya ng mas maraming pabahay para maibigay sa mahihirap na Pilipino.
 
Hiling nito, bigyan siyang sapat na panahon para matupad ang kanyang mga pangako.
 
 
 

Facebook Comments