Grupo ng mga magsasaka sa Northern Mindanao, nanguna sa unang araw na pagbebenta sa 2024 DAR Agraryo Trade Fair

Inanunsyo ng Department of Agrarian Reform o DAR na kumita ang grupo ng mga magsasaka sa Northern Mindanao ng kabuuang ₱368,345 at nagrehistro bilang pinakamataas sa unang araw ng pagbebenta mula sa 15 exhibitors sa ng Department of Agrarian Reform 2024 Agraryo Trade Fair (ATF) na ginanap sa DAR Central Office mula Oktubre 15-18, 2024.

Pinangunahan ni Undersecretary for Office for Mindanao Affairs Amihilda J. Sangcopan ang awarding ceremony para sa katatapos na ATF na isinagawa bilang pagdiriwang ng International Rural Women’s Day at Rural Women’s Month na may temang “Kababaihan sa Kanayunan: Kabalikat sa Repormang Agraryo para sa Maunlad at Matatag na Bagong Pilipinas.”

Ayon kay Sangcopan, ang Agraryo Trade Fair ay bunga ng pagsusumikap, tiyaga at pagkakaisa ng mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang mga produkto at serbisyo.


Paliwanag pa ng opisyal, ang ATF ay hindi lamang nagpapakita ng talento at husay ng ating mga magsasaka sa kanayunan kundi nagpapakita rin ito ng kanilang kakayahan na harapin at malampasan ang mga hamon sa kanilang buhay lalo na kung sila ay nahaharap sa iba’t ibang kalamidad.

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat si Gina A. Monjado, pangulo ng Katipunan Agricultural Producers Cooperative o KAPCO sa Katipunan, Bayusan, Agusan del Sur, sa pagkakataong maibenta ang kanilang mga produktong pangsaka at makakonekta sa mas maraming mamimili.

Sabi ni Monjado na ang kaganapan ay nagsilbi bilang isang pagkakataon para sa Agusan del Sur ARBOs upang maipakita ang kanilang mga produkto sa isang mas malawak na merkado na nagtataguyod ng paglago at pagpapanatili para sa mga magsasaka sa lugar.

Kabilang sa mga produktong ipinakita at ibinebenta ng KAPCO ay ang banana chips, taro chips, cassava chips, kamote, peanut brittle, salted, at peanut spread.

Ang CALABARZON ay pumangalawa sa pinakamataas na unang araw na benta na may kabuuang Php 184,940.00, habang ang rehiyon ng Zamboanga Peninsula ay pumangatlo na may kabuuang benta na Php180,008.

Habang ang Eastern Visayas ay hinusgahan bilang Best Booth na namumukod-tangi sa kanilang disenyo na inspirasyon ang masiglang Buyogan Festival ng Abuyog, Leyte, at ang makasaysayang landing sa McArthur Leyte.

Facebook Comments