GRUPO NG MGA MAGSASAKA SA PANGASINAN, NAKATANGGAP NG TSEKE PARA SA PAGTATAG NG PROYEKTO SA PAGGAWA NG BABOY

Tumanggap ng tseke ang dalawang grupo ng mga magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan para sa kanilang pagtatatag ng proyekto para sa paggawa ng baboy.
Ang tseke na kanilang natanggap ay mula sa Department of Agriculture – Regional Field Office 1.
May kabuuang P16.5 milyong halaga ng tseke ang ibinigay kay G. Pedro Bugarin, tagapangulo ng Maawi Alos Farmers Multipurpose Cooperative na kumakatawan sa isang cluster ng farmers’ cooperative and association (FCA) sa Alaminos City.

Nakatanggap din ang Saint Paschal Baylon Multipurpose Cooperative ng tseke na nagkakahalaga ng P5.5 milyon sa pamamagitan ni G. Mamerto Santos.
Dahil sa iniabot na pondo para sa pagpapatupad ng Community-Based Swine Production sa pamamagitan ng Clustering and Consolidation Project.
Umaasa si DA Regional Executive Director Dr. Annie Q. Bares na hindi na mapipigilan ang patuloy na pagbangon ng industriya ng baboy sa rehiyon ng Ilocos. |ifmnews
Facebook Comments