Naniniwala ang grupo ng mga magsasaka na posible namang maabot ng bansa ang P20 na presyo ng kada kilo ng bigas.
Kasunod ito ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng paglulunsad ng “Kadiwa ng Pasko” sa 14 lugar sa bansa.
Sa interview ng RMN MANILA, sinabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na posibleng itong mangyari basta maitaas lang ng gobyerno ang produksyon ng palay at maibaba ang presyo ng pataba at gasolina.
“We hope, in one year and a half [ay] matatarget natin yun [₱20 per kilo ng bigas]. Syempre, of course, kung mura ang bigas dapat mura ang palay. Kung mura ang palay, of course yung input and gasolina, mura rin. Yun ang isang challenge ng ating government.”
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na marami pang kailangang gawin pero dahan-dahan nilang aabutin ang pangarap niyang maibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas