Nagpahayag ng matinding pangamba ang Agricultural Sectors Alliance of the Philippines kaugnay ng programa ng pamahalaan na buksan ang bansa sa pag-aangkat ng mga bigas, manok, baboy at mga gulay na inaasahang magpapabagsak sa mga magsasaka.
Ayon kay AGAP President Nicanor Briones, unti-unti na silang nalulugi dahil sa mga imported products na pumasok sa bansa bago magbagong taon na kung saan base sa ulat ay over supply ng karne ng baboy at manok sa mga storage.
Umaapila ngayon ang mga magsasaka kay pangulong Rodrigo Duterte na suportahan ang mga Local Producers sa pamamagitan ng pagpapatigil ng mga pag-aangkat ng mga imported products.
Problemado rin aniya ang grupo ng mga magsasaka sa patuloy sa pagtaas ng mga feeds na kung saan ay patuloy na tumataas ang presyo ng mga ito.
Magugunita na binuksan ng pangulo ang bansa na mag-angkat ng mga imported na bigas sa ilalim ng bagong batas na Tarification Law na siyang idinadaing ngayon ng maraming magsasaka.