Grupo ng mga magsasaka, umaasang may bago nang DA Sec. sa Hunyo

Umaasa ang grupo ng mga magsasaka na makapagtatalaga na si Pangulong Bongbong Marcos ng bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) sa Hunyo o bago ang kanyang ikalawang State of Nation Address (SONA) sa Hulyo.

Sabi ni Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG Chairperson Rosendo So, nakatulong ang pag-upo ni Marcos bilang DA secretary dahil kahit papano ay naibigay nito ang tulong na kailangan ng mga magsasaka ng palay.

Tinukoy dito ni So ang 4.2 billion pesos na pondo na nai-realign para sa pamamahagi ng abono o pataba para sa mga magsasaka.


Muli namang inirekomenda ni So na maging susunod na kalihim ng DA ang kapatid ng pangulo na si Senator Imee Marcos.

Ito ay dahil aniya sa pagkakaroon ng puso ng senadora para sa local producers at local farmers.

Una nang pinasalamatan ni Senator Imee ang pagrekomenda sa kanya ng grupo at nangakong hindi niya bibiguin ang sektor ng agrikultura.

Facebook Comments