Grupo ng mga magulang, nagkasa ng kilos protesta sa harap ng isang Unibersidad sa Maynila

Nagkasa ng kilos protesta ang grupo ng mga magulang para kondenahin ang patuloy na panghihikayat ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa mga estudyante na umanib sa kanilang grupo.

Sa pahayag ng League of Parents of the Philippines, kinakailangan tutukan ito ng pamahalaan katuwang ang mga pamunuan ng eskwelahan dahil ginagawa lahat ng CPP-NPA ang paraan upang ma-recruit ang mga kabataan.

Giit ng grupo, nagagawa ng CPP-NPA ang panghihikayat via online kung saan ipinapakita at hinihimok nila ang mga kabataan na lumaban sa pamahalaan at itakwil ang kanilang pamilya partikular ang mga magulang.


Kinokondena rin ng grupo ang naging desisyon ni Judge Thelma Dumpit na pinawalang sala sina Satur Ocampo, Vic Ladlad at iba pa nilang kasama sa mga krimen na kanilang nagawa partikular ang nangyaring massacre sa Inopacan, Leyte noong 1980’s.

Pahayag pa ng grupo, tila isang regalo ang ibinigay ni Judge Dumpit sa mga itinutiring na terorista ng bayan lalo na’t nalalapit na ang ika-53 anibersaryo nito.

Paliwanag pa ng League of Parents of the Philippines, sa mismong harap ng Far Eastern University (FEU) sila nagkasa ng prostesta dahil nakarating sa kanilang kaalaman na may ilang mga estudyante na ng nasabing unibersidad ang nahikayat na ng CPP-NPA base sa mga magulang na lumapit sa kanilang tanggapan.

Facebook Comments