Grupo ng mga maka-kalikasan, nagkilos-protesta sa DOJ

Nagkilos-protesta sa Department of Justice (DOJ) ang ilang mga miyembrong grupong maka-kalikasan.

Ito ay para igiit ang pagbibigay proteksyon sa mga taong nagtatanggol sa kalikasan ng bansa na ang ilan ay isinasailalim sa red tagging.

Panawagan pa nila sa Court of Appeals na bigyan o maglabas ng writ of amparo at habeas data para kay Francisco Dangla.

Si Dangla ay una nang dinukot ng mga nakamaskarang lalake noong 2023 sa Pangasinan kung saan nakaranas siya ng torture sa loob ng tatlong araw.

Muling rin iginigiit ng grupo na itigil na ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ginagawang red tagging sa kanila kung saan tanging pag-protekta lamang sa kabuhayan at kalikasan ang kanilang layunin.

Facebook Comments